Tagalog news: Pagpapatayo ng Agri-Trade Center sa Puerto Princesa, isinusulong

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 26 (PIA) — Hangad ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa na masimulan na ang pagtatayo ng agri-trade center na planong ilagay sa Barang Irawan.

“Gusto na nating matuloy ito dahil ito talaga ang mag bo-boost ng ating agriculture industry sa Puerto Princesa at sa Palawan”, tinuran ni Mayor Luis Marcaida lll sa panayam sa kaniya.

Ani Marcaida, kasado na sa ngayon ang P10 milyon na magiging ambag ng pamahalaang lungsod, kung kaya hinihintay na lamang ang magiging resulta ng pinakahuling pag-uusap upang mapasimulan na ang proyekto at maihabol ngayong taon.

Ang proyektong agri-trade center ay magkakatuwang na itatayo ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa, Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na may ambag na Ph10 milyon at Department of Agriculture (DA) na naglaan naman ng Php30 milyon.

Tiwala si Marcaida na maisasakatuparan ang proyekto sapagkat may naging kasunduan na ang mga LGU at DA para rito. “Matutuloy po ito dahil naipangako namin ito noon pa man sa mga mamamayan”, ani pa ni Marcaida.

Samantala, base sa plano, maglalagay din ang gobyerno sa ng processing center para sa kasoy at niyog na siyang mga pangunahing produkto ng lungsod at lalawigan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s