Tagalog news: OrMin senior citizens, nagsagawa ng outreach program para sa mga katutubo

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 26 (PIA) – Masayang nagsagawa kamakailan ng isang outreach at feeding program ang pamunuan ng Oriental Mindoro Senior Citizens Cultural Organization (OMSCCO) sa mga Barangay ng Metolza at Paitan sa bayan ng Naujan.

Ang gawain ay pinangunahan nina Senior Citizens Special Assistant at Founder ng OMSCOI President Jucenia L. Garing, kasama ang mga opisyales ng samahan na sina Finance Chairperson Yolie Saway, Health Chairperson Nita Evangelista, Secretary Teresita Dinglasan, Auditor Amie Alcano, Board of Trustees Marciano Muning, Aida Montoya, Leony Ylagan at Florentino Estevez.

Sa maikling programang isinagawa, pinasalamatan ni Garing si Gob. Alfonso V. Umali, Jr. sa walang sawang pagsuporta sa kagalingan ng kanilang samahan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng samahan ng senior citizens na nagkakaisa upang makatulong sa mga kababayan sa kabila ng kanilang katandaan.

Unang tinungo ng grupo ang Metolza Elementary School at pagkatapos ay ang Barangay Hall ng Barangay Paitan kung saan parehas na isinagawa ang pagpapakain sa mga bata at matatanda, pamimigay ng mga lumang damit na labis na ikinatuwa ng mga katutubong Mangyan sa lugar.

Sa gitna ng programa, nakuha pang magturo ng mga kababaihang Mangyan ng kanilang katutubong sayaw sa mga Senior Citizen na ikinatuwa ng mga manonood.

Pinasalamatan din ni Garing ang grupo ng mga sundalo, sa pamumuno ni SSgt. Jefrey Tamares dahil hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan kundi malaking tulong din ang nagawa ng mga sundalo sa pagluluto ng pagkain para sa feeding program.

Nagpasalamat naman para sa kanilang mga kabarangay sina Kagawad Leopoldo Dimayuga ng Paitan at Kagawad Ben Andres ng Metolza sa tulong na ibinahagi ng mga senior citizen sa kanilang pamayanan.

Samantala, marami pang nakahandang katulad na programa ang samahan ng mga senior citizens sa iba pang lugar sa lalawigan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s