Tagalog news: 25 opisyal ng pulis, nagtapos ng ‘English Language Proficiency Training’

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 26 (PIA) – Pormal na nagtapos ng English Language Proficiency (ELP) Training ang 25 Police Officers mula sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyong Mimaropa sa ginanap na Recognition Day sa Oriental Mindoro Provincial Police Office Conference Hall, Camp Efigenio C. Navarro sa Lungsod ng Calapan kamakailan lamang.

Ang mga nagsipagtapos ay sumailalim sa masusing pagsasanay sa Language Skills Institute (LSI) ng Kapitolyo katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sila ay nakabuo ng 100-hour computer program sa pamamagitan ng Dynamic Education (DynEd) Courseware ng LSI.

Sa simpleng seremonya, kinilala at pinagkalooban ng sertipiko ang mga natatanging Police Officer nina Gob. Alfonso V. Umali Jr., LSI Coordinator Olivia Palomaria, LSI Trainor Gloany Norman, Police Superintendent Socrates Faltado at Police Regional Office Mimaropa Deputy Director for Operations Police Senior Superintendent Ferdinand M. Garay.

Ayon kay Gob. Umali, nagpapasalamat siya sa mga naging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan upang itaguyod ang LSI, pangunahin na rito ang TESDA, Department of Education (DepEd), Malampaya Foundation, Mindoro State College of Agriculture and Technology (MinSCAT) at iba pang mga konsernadong ahensya ng gobyerno.

Ayon naman kay TESDA Provincial Director Asuncion M. Ordoña, dinagdagan ng Pamahalaang Nasyunal ang pondo ng TESDA para sa Oriental Mindoro upang maipagkaloob ang tuluy-tuloy na mga libreng pagsasanay.

Para sa mga nagsipagtapos, malaking tulong sa kanilang propesyon ang pagkakataong tulad nito na magkaroon ng wastong kaalaman sa paggamit ng wikang Ingles, lalo pa’t ang kanilang trabaho ay karaniwang umaagapay sa mga mamamayan at mga turista.

Iniulat naman ni Palomaria ang mga serbisyong naibibigay at naipagkaloob na ng LSI kung saan malaking porsyento nito ang mga propesyunal sa lalawigan na natulungan upang maging epektibo at bihasa sa paggamit at pagsasalita ng wikang Ingles. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s