Tagalog news: International Motocross sa Puerto Princesa, kasado na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 24 (PIA) — Gaganapin sa darating na Hunyo ang planong international motocross na ipinanukala ng National Motorcycle Sports and Safety Association (NAMSSA) sa Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.

Ito ay makaraang aprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang ilalaang pondo para rito na nagkakahalaga ng Php3.5 milyon kung saan manggagaling sa respresentation expense ng City Mayor’s Office (CMO) ang Php2 milyon habang ang natitirang Php1.5 milyon ay kukunin naman sa Special Activities Program.

Sa inilatag na panukala ng NAMSSA, gagawin ang motocross sa racetrack ng lungsod kung saan ipalalabas ito sa ilang international television channel na kanilang kinontrata.

“Positibo tayo sa event na ito dahil alam nating may maitutulong ito sa promosyon ng ating tourism dahil bukod sa dadayuhin tayo ng mga foreign at local tourist, mapapanood ito sa iba’t ibang panig ng mundo”, ani Konsehal Victor Oliveros sa panayam sa kaniya ng lokal na mamamahayag.

Samantala, dadaan pa sa Committee of the Whole ng konseho ang kahilingan ni Mayor Luis Marcaida lll na mabigyan siya ng kapangyarihan na lumagda sa kasunduan sa pagitan ng NAMSSA na siyang nag-organisa ng nasabing aktibidad at lokal na pamahalaan saka sisimulan ang gagawing paghahanda sa mismong kompetisyon. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s