Tagalog news: Baragatan sa Palawan Festival 2017 magbubukas na sa Hunyo 9

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 23 (PIA) — Magbubukas na ang Baragatan sa Palawan Festival 2017. Sa Hunyo 9 nakatakdang isagawa ang soft opening nito sa Capitol Grounds sa pamamagitan ng isang banal na misa.

Kasabay nito ang pagbubukas ng LGU Trade Fair, Private Trade Fair, Garden Show at ang Caraenan. Magtatagal hanggang sa Hunyo 23 ang lahat ng aktibidad sa Baragatan sa Palawan.

Bilang paghahanda, bukas na ang Provincial Economic Enterprise and Development Office (PEEDO) sa mga nagnanais kumuha ng puwesto para sa isasagawang Private Trade Fair. Layon ng aktibidad na ito na mapagsama-sama ang mga maliliit na negosyante sa Palawan sa iisang lugar upang mabigyan sila ng pagkakataon na maialok ang kanilang mga produkto sa mga mamimili na tutungo sa Baragatan sa Palawan Festival.

Ayon kay Bethel Wyeth C. Asag ng PEEDO, mayroong 48 stalls ang papaupahan sa Private Trade Fair at pito rito ay ilalaan para sa Caraenan o food stalls. Ang Private Trade Fair ay bukas sa lahat ng commercial establishments, indibidwal man o magkasosyo at sa mga kooperatiba.

Ayon naman kay Ma. Mayla A. Rebusada ng Office of Provincial Agriculturist (OPA), muli namang matutunghayang ang iba’t-ibang produkto ng Palawan mula sa 23 munisipyo ng lalawigan sa LGU Trade Fair. Mabibili dito ang mga produktong pang-agrikultura mula sa iba’t-ibang munisipyo tulad ng daing, tuyo, bigas, mga prutas at gulay,bandi, handicrafts, accessories at marami pang iba. Bukod sa mga produktong pang-agrikultura, makikita rin sa mga booths ng mga munisipyo ang mga pangunahing destinasyon na maaaring puntahan ng mga turista sa kanilang lugar.

Iba’t-ibang uri ng halaman at bulaklak naman ang muling makikita at mabibili sa Garden Show ayon pa rin kay Rebusada. Matutunghayan at mabibili sa Garden Show ang mga makukulay na bulaklak ng orchids, ornamentals, flora, ferns at iba pang mga halaman na dito lamang makikita sa Palawan.

Ang OPA ang namamahala ng LGU Trade Fair at Garden Show para sa Baragatan sa Palawan ngayong taon. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s