Tagalog news: Unang taon ng pagkakatatag ng Phl Science HS Mimaropa Region Campus, ipinagdiwang

ODIONGAN, Romblon, Mayo 22 (PIA) — Kamakailan ay Ipinagdiwang ng mga estudyante, guro, empleyado at pangunahing bisita ang kauna-unahang anibersaryo ng pagkatatag ng Philippine Science High School – Mimaropa Region Campus sa Barangay Tuguis Weste, Odiongan, Romblon kamakailan.

Kasabay ng nasabing selebrasyon, isinagawa ang pagbabasbas at ribbon cutting ng bagong gusali ng PSHS-MRC, ceremonial sealing ng time capsule at unveiling ng Master Plan ng paaralan.

Panauhing pandangal sa naturang okasyon si PSHS Regional Director Lilia T. Habacon na nagsabi na tuloy-tuloy na ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga estudyante ng PSHS kung saan kanyang ipinaalala sa mga mag-aaral na ang kapalit ng pagiging scholar ay ang pagbutihin ng mga ito ang kanilang pag-aaral at kailangan na mag-excel sa kanilang larangan.

Ang pagiging scholar aniya ay marapat na ibigay ang sarili sa pagiging isang lider sa agham at teknolohiya. Kung naniniwala aniya ang mga estudyante na ang edukasyon ng PISAY ay importante sa buhay ng tao, kailangan nila itong bigyan ng halaga.

“If you believe that Pisay education is important you will find a way to value it, if not you will find an excuse, learn to give back to your family and serve humanity, your community especially Romblon the host province of Mimaropa,” ayon pa kay Habacon.

Pinasalamatan naman ni Edward C. Albaracin, PSHS-MRS campus Director, sina Governor Eduardo Firmalo, Mayor Trina Firmalo-Fabic ganun din ang mga barangay official sa palibot na nasabing paaralan sa suporta ng mga ito para mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng lugar.(AMM/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s