Tagalog news: Tricycle operators, pinaalalahanan ng LGU Odiongan na irehistro ang kanilang sasakyan

ODIONGAN, Romblon, Mayo 22 (PIA) — Pinaalalahanan at binigyan na ng deadline ng Sanguniang Bayan ng Odiongan ang mga tricycle operators sa naturang bayan na iparehistro o i-renew ang ang kanilang sasakyan bago magkatapusan ng Mayo ng taong kasalukuyan.

Ayon kay SB Member Diven Dimaala, Transportation Committee Chairman, na hanggang May 31 nalang pwedeng bumiyahe ang mga triycle na colorum at kapag hindi nakapagparehistro o nakapag-renew ng kanilang prangkisa sa munisipyo ang mga may-ari nito ay hindi na pwedeng ipasada ang mga ito.

Batay sa datos na hawak ng Municipal Council’s Transportation Committee, aabot sa 1,300 ang mga tricycle o tribike na bumabiyahe sa buong bayan ng Odiongan at mahigit 200 dito ay mga colorum o walang prangkisa.

Ang mahigit 200 colorum na mga tricycle anila ay nakakasikip sa daloy ng trapiko tuwing rush hour, nakakabawas sa kita ng mga operator na may rehistradong tricycle at kabawasan rin ito sa koleksiyon ng lokal na pamahalaan.

Nagbabala rin ang LGU Odiongan na simula sa unang araw ng Hunyo 2017 ay huhulihin na ang mga colorum na tricycle o tribike ng kapulisan at mga tauhan ng Odiongan Transportation and Regulation Unit kapag natiyempohan ang mga ito yumayaot sa mga kalsada.(PJF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s