Tagalog news: Seaweed farmers sa El Nido at Taytay binigyan ng seedlings

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 22 (PIA) — Umabot sa 1.5 metriko toneladang seaweed seedlings ang ipinamahagi kamakailan ng Livelihood Management Unit
Ang mga nabenepisyuhan sa Taytay, Palawan ay mula sa siti ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan.

Ayon kay Dr. Myrna O. Lacanilao, hepe ng nasabing tanggapan ang mga nabenepisyuhan nito ay ang mga mangingisda sa bayan ng El Nido at Taytay, Palawan.
o Amogues, barangay Calawag, samantalang mula naman sa Barangay San Fernando ang mga benepisyaryo sa bayan ng El Nido. Tumanggap ang bawat benepisyaryo ng tig-100 kilo ng seaweed seedlings.

Ang pagbibigay ng seaweed seedlings sa mga benepisyaryo nito ay bahagi ng Seaweeds Industry Development Program ng Kapitolyo na naglalayong matulungan ang mga nagtatanim ng seaweeds sa lalawigan na tumaas ang kanilang produksiyon para umunlad ang kanilang kabuhayan.

Hinihikayat din ni Dr. Lacanilao ang iba pang mangingisda na magtanim ng seaweeds bilang kanilang alternatibong kabuhayan. Sa kasalukuyan ay mayroon nang 67 benepisyaryo ang naturang programa sa buong lalawigan ng Palawan. (PIO/OCJ-PIA MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s