Tagalog news: Palawan, ‘flagship’ ng turismo sa Mimaropa, ayon sa TIEZA

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 22 (PIA) — Itinuturing ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na ‘flagship’ ng turismo ang lalawigan ng Palawan sa buong rehiyong Mimaropa.

“We are looking at Palawan as a flagship of tourism in Mimaropa”, ani Atty. Niño Ruperto Aquino ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa isinagawang tourism investment forum sa lungsod ng Puerto Princesa kamakailan.

“Sa Palawan kami nakapag-identify ng lugar para sa flagship tourism enterprise zone (TEZ) program at ito ang aming first flagship, ang Long Beach sa San Vicente”, dagdag pa ni Aquino.

Nangunguna rin ang lalawigan sa buong rehiyon ng Mimaropa pagdating sa dami ng mga dumarayong turista.

Base sa datos ng Department of Tourism (DOT)-Mimaropa, sa taong 2016, umakyat sa 1,104,830 ang tourist arrival sa lalawigan habang pumapangalawa ang Oriental Mindoro na may 151,433 lamang.

Sa mga probinsya ng Mimaropa, tanging ang Palawan ang kasama sa ‘top overnight destinations’ sa bansa. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s