Tagalog news: BFAR, paiigtingin ang pagpapatupad ng marine protection at fishery laws

ROMBLON, Romblon, May 22 (PIA) — Mas paiigtingin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Mimaropa ang kampanya upang mapangalagaan ang mga karagatan sa lalawigan ng Romblon.

Kaugnay nito, nagtalaga ang BFAR Mimaropa ng mga tauhan sa Romblon para sa binuong quick response team na siyang magpapatrolya at regular na magbabantay sa karagatang sakop ng lalawigan laban sa illegal na pangingisda.

Ayon kay Luisito Manes, Officer-In-Charge, Provincial Fishery Officer ng BFAR-Romblon, kanilang binuo ang Provincial Law Enforcement Coordinating Committee o PLECC-Sub Committee on Fishing and Marine Environmental Protection upang maaksiyunan ang dumaraming kaso ng pang-aabuso sa yamang dagat ng lalawigan.

Pangunahing layunin nito na mapigilan ang mga iligal na aktibidad tulad ng trawl fishing , muro-ami, pamumutol ng mga bakawan,pagdi-dinamita, pagko-compressor at iba pang uri ng mapanirang paraan ng pangingisda na siyang sanhi ng over fishing o pagkaubos at pagkasira ng mga tirahan ng mga nangingitlog na isda.

Matatandaan na may mga mangingisda pa rin sa ilang munisipyo ng Romblon ang patuloy na gumagamit ng dimanita, cyanide, compressor at iba pang iligal na pamamaraan na naging sanhi ng halos wala nang mahuling isda ang maliliit na mangingisda na umaasa dito.

Isusulong din ng BFAR katuwang ang PNP Maritime Police at Bantay Dagat ang pagpapatupad ng Sea Patrol Operations upang mapaigting ang kampanya kontra sa mga bumabalewala at lumalabag sa ordinansang ipinapatupad ng bawat munisipyo sa kanilang katubigan.

Patuloy ring nagkakaloob ng proyektong pangkabuhayan ang naturang ahensiya dahil isa aniya itong napakamabisang paraan para agarang masolusyonan ang problema sa iligal na pangingisda at nagbibigay ng mga pagsasanay sa sektor na umaasa sa dagat sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kaalaman sa pangisdaan.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s