Tagalog news: Ordinansa sa ambulansya ng LGU San Jose, pumasa sa ikalawang pagdinig

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Mayo 19 (PIA)—Pumasa kamakailan sa ikalawang public hearing ang ordinansa na naglalaman ng mga patakaran ng ambulansya ng pamahalaang bayan ng San Jose (LGU San Jose).

Ayon kay Dr. Enid Asuncion, Municipal Health Officer dito, layunin ng ordinansa na magkaroon ng malinaw at particular na mga polisiya sa paggamit ng ambulansya. Kabilang dito (ordinansa) ang mga babayaran o fee’s.

“Maiiwasan ang red tape”, saad pa ni Dr. Asuncion. Aniya, dahil noon ay walang partikular na halagang nakatakda bilang kabayaran sa driver at nurse ng ambulansya, may posibilidad na maabuso ang kalakarang ito.

Nakapaloob sa ordinansa na libre ang paggamit ng ambulansya subalit may kaakibat na gastusin din ang gagamit nito. Una ay ang P800 na food allowance ng driver at P1,200 para sa nurse, kada araw, sakaling gagamitin ang ambulansya sa loob ng isla ng Mindoro. “Sadyang P800 din lamang ang food allowance ng nurse at ang karagdagang P400 ay nakalaan sa maintenance ng ambulansya”, paglilinaw ni Dr Asuncion.

Ayon pa sa ordinansa, ang nabanggit na food allowance/maintenance ay may resibo na mangagaling sa LGU San Jose. Babayaran din ng gagamit ang fuel at pamasahe sakaling sasakay ang ambulansya ng barko.

“Makipagugnayan lamang sa aming tanggapan sa Muncipal Health Office”, paanyaya ni Dr Asuncion sa mga nais gumamit ng ambulansya ng LGU San Jose.

Nakatakda naman ang ikatlo at huling pagdinig na nasabing ordinansa sa susunod na linggo. Sakaling paboran ito ng lahat o ng mayorya ng Sangguniang Bayan ng San Jose, dadalhin ang ordinansa sa Sangguniang Panlalawigan upang doon naman pagaralan. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s