Tagalog news: PNP M’duque nagsanay tungkol sa pagpapanatili ng seguridad ng mga turista

BOAC, Marinduque, Mayo 17 (PIA)– Muling pinulong ng Department of Tourism (DOT) Marinduque ang mga kapulisan tungkol sa pagpapaigting ng seguridad at kaligtasan ng mga turista na nais bumista sa lalawigan.

Ito ay matapos silang magsagawa ng Tourist Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) kamakailan sa LMD PESO Hall, Provincial Capitol.

Bukod sa mapayapang paglalakbay ng mga turista sa Marinduque, itinuro ni Rolando Josue mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang mga hakbang na nais gawin kung sakaling may dumating na hindi inaasahang aksidente at sakuna.

Tinalakay din sa TOPCOP training ang mga sumusunod na module: Community Oriented Policing System, Basic Principles of Tourist Safety, Basic Report Writing, Media Relations, First Aid and Basic Life Support, Immigration Laws and Procedures, Orientation of Incident Command System (ICS) at PNP SOP on Crisis Incident Management (CIM).

Ayon kay Ricardo Asuncion, Officer-in-Charge ng DOT Marinduque, mas maeengganyo ang mga turista kung mapapanatili ng mga kapulisan ang pagpapalago at pagpapataas ng kanilang kakayahan sa serbisyong kailangan nilang gampanan.

Matatandaan na ang ikaunang bahagi ng TOPCOP ay tungkol sa pagsasanay ng mga pulis para magsilbing tourist guide sa mga destinasyong maaaring puntahan sa lalawigan. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s