Tagalog news: 153 engine water pumps, ipamamahagi ng DA sa lalawigan ng Romblon

ODIONGAN, Romblon, Mayo 17 (PIA) — Ang Department of Agriculture (DA) ay mamahagi ng 153 engine water pumps sa mga grupo ng magsasaka sa 17 munisipyo sa lalawigan ng Romblon.

Ang naturang proyekto ay kinumpirma ni DA Mimaropa Assistant Regional Director Ronnie Panoy kung saan naglaan ang kanilang ahensiya ng halagang P1.5 milyon para sa proyektong ito.

Sinabi pa ni Panoy na ang programang ito naglalayong mapatubigan ang mga sakahan ng mga magbubukid sa bawat bayan upang mapalago ang mga pananim ng mga ito na kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.

Ani Panoy, patuloy silang nagkakaloob ng mga makinarya at kagamitang pansakahan sa mga magbubukid upang mapaunlad ang idustriya ng agrikultura sa mga malalayong bayan.

Ang mga bayan ng Odiongan, Looc at Cajidiocan ay parehong nakatanggap ng tig-20 units ng engine water pumps at batay sa talaan ng naturang tanggapan ang mga bayan na nakatanggap din ng kahalintulad na kagamitan ay ang mga sumusunod: San Andres – 16 units water pumps, Santa Fe – 15 units water pumps, Magdiwang – 10, ang mga bayan ng Romblon, Calatrava, Ferrol, Alcantara, San Fernando, Sta. Maria ay nabigyan din ng tig – 5 yunit ng engine water pumps, samantalang tig-tatlong units naman ang mga bayan ng San Jose, Corcuera, Banton at Concepcion.

Nagpahatid naman ng pasasalamat ang tanggapan ni Governor Eduardo C. Firmalo sa DA Mimaropa sa malaking tulong nito sa lalawigan na kanyang pinamumunuan.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s