Tagalog news: Provincial Breeding Station ng OrMin, planong gawing EcoPark

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 16 (PIA) – Bukod sa pagiging breeding station ay plano ring gawing EcoPark ang Provincial Breeding Station ng lalawigan sa Brgy. Nacoco, Lungsod ng Calapan sa hinaharap.

Ito ang binigyang-diin ni Provincial Veterinarian Dr. Grimaldo Catapang sa isang panayam na isinagawa ng Kapitolyo Para Sa Mamamayan (KPSM) news team kamakailan.

Ang mga planong isasagawa sa Provincial Breeding Station ay ayon sa Master Plan na iprinesenta ni Dr. Catapang sa pagpupulong sa katatapos na Management Committee meeting.

Ang Master Plan ay kinapapalooban ng mga bahay para sa palahiang baboy, kambing, at kalabaw. Itatayo rin ang artificial insemination center para sa baboy, kung saan magiging bahagi ito ng kasalukuyang nakatayo ng Liquified Nitrogen Plant na nagsisilbing imbakan ng semilya ng malalaking hayop tulad ng baka at kalabaw, kulungan ng manok at bio-gas digester para sa breeding station.

Samantala, makikita naman sa planong EcoPark ang forage nursery na pagkukunan ng mga damong pagkain ng mga hayop na aalagaan doon at gazebo cottages na magsisilbing pahingahan para sa mga bisitang mamamasyal. Balak din itong taniman ng mga punungkahoy na sa lalawigan lamang makikita. Magsisilbi rin itong kanlungan para sa lahat sa panahon ng tag- init.

Ang breeding station at ang Eco Park ay magkakaroon ng kani-kaniyang entry points, opisina at gusali para sa mga nais magsanay at mag-aral sa paghahayupan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang paglalagay ng bakod sa pinaplanong EcoPark at breeding station ng lalawigan. Ito ay habang inaayos ang mga usaping legal at mga papeles tungkol sa lugar. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s