Tagalog news: Kamalayan sa Safe Motherhood, isinusulong ng Puerto Princesa City Health Office

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 16 (PIA) — Puspusan ang pagbibigay ng programa ng City Health Office (CHO) ng Puerto Princesa patungkol sa ligtas na pagbubuntis.

Sa isinagawang ‘Kapihan sa Philippine Information Agency (PIA)’, tinuran ni Dr. Teresa Wycoco ng CHO na kumpleto ang kanilang programa upang matutukan ang isang ina habang ito ay nagdadalantao.

“May programa ang CHO para sa unmet needs pregnancy at teenage pregnancy dahil gusto natin na mabigyan sila ng kanilang mga pangangailangan hindi lamang gamot o bitamina sa pagbubuntis kundi pati ng tamang kaalaman at pangangalaga sa kanilang kalagayan”, ani Dr. Wycoco.

Hinikayat ng CHO ang mga inang nagdadalantao, lalo na ang mga nasa estado pa lamang ng maagang pagbubuntis na kumunsulta sa kanilang tanggapan maging sa mga barangay health center kung saan may libreng programang nakalaan.

“Hangad natin na maiwasan ang panganib na maaaring maranasan ng mga ina sa panahon ng pagdadalantao hanggang sa ito ay magsilang. Gusto kasi natin na mabawasan ang maternal mortality rate”, Dagdag pa ni Wycoco.

Samantala, paalala ni Dr. Wycoco ang dapat magbuntis ang isang babae kung may kakayanan na itong gampanan ang mga responsibilidad bilang ina.

Ilan pa sa mga aspetong dapat paghandaan bago ang pagbubuntis ay ang pisikal, emosyunal, at pinansiyal. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s