Tagalog news: Bagong gusali ng PSHS Mimaropa Region Campus, pormal ng pinasinayaan

ODIONGAN, Romblon, Mayo 16 (PIA) — Pormal ng pinasinayaan at binasbasan ang bagong gusali ng Philippine Science High School Mimaropa Region Campus sa Brgy. Rizal, Odiongan, Romblon na isinagawa kamakailan.

Ang ceremonial key ng dalawang palapag na gusali ay pormal na iniabot ni Governor Firmalo kay Bb. Lilia T. Habacon bilang hudyat na kanila na itong magagamit at sila na ang mangangalaga sa bagong pasilidad na kaloob ng pamahalaang panlalawigan.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng PSHS Mimaropa Regional Campus kay Governor Firmalo sa pagtulong at suportang ipinagkakaloob nito sa kanilang institusyon. Kasabay rin ng nasabing aktibidad ay isinagawa rin ang Unveiling of PSHS-MRC Master Plan sa pangunguna ni Meriam F. Fallar, Chief, Finance and Administrative Division katuwang sina Governor Lolong Firmalo, Ms. Lilia T. Habacon, Marion B. Sakai at Edward C. Albaracin.

Ang blessing at ribbon cutting ng bagong gusali ay dinaluhan ng mga opisyal ng gobyerno at ng mga kawani ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna nina Governor Eduardo Firmalo, PSHS Executive Director Lilia T. Habacon, PSHS-MRC Director Edward C. Albaracin, FAD Chief OED Marion B. Sakai at Mayor Trina Firmalo-Fabic (DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s