Tagalog news: Proyektong Bansud-Sablayan road Sa OrMin, umuusad na

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 15 (PIA) – Nakatakdang magpasa ng joint resolution ang mga pamahalaang bayan ng Bansud at Sablayan, Occidental Mindoro para sa implementasyon ng Bansud-Sablayan Mountain Cross-Road project na magbubukas ng daan sa pagitan ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.

Dito sumentro ang isinagawang pagpupulong kamakailan ng Pamahalaang Bayan ng Bansud na dinaluhan nina Bansud Mayor Angel Saulong, 203rd Brigade Colonel Antonio G. Parlade, Jr., mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways at Municipal Engineer’s Office.

Ang proyekto na may habang humigit kumulang sa 60 kilometro mula sa national highway ng Oriental Mindoro hanggang national highway ng Occidental Mindoro ay kabilang sa strategic project ng pamahalaang lokal sa pamumuno nina Gob. Alfonso V. Umali, Jr. at 2nd District Representative Reynaldo V. Umali.

Sa pagpupulong, ipinahayag ni 203rd Brigade Commanding Officer Col. Antonio G. Parlade na nakahandang tumulong ang kanilang hanay sa pamamagitan ng pagpapagamit ng Army Engineering Units upang maging matagumpay ang naturang proyekto. Nakahanda rin sila, anilang proteksyunan ito mula sa mga grupong magtatangkang pigilan ang proyekto at hahadlang sa pagpapatupad nito.

Layunin ng proyekto na mapabilis ang pag-unlad ng mga sitio at barangay na nasa liblib na lugar sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na sistema ng kalsada para sa mabilis na transportasyon ng mga produktong agrikultural na mag-aangat sa antas ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Adbentahe ng naturang proyekto kumpara sa planong Victoria-Sablayan mountain cross road project, may kakaunting bilang ng mga tulay ang kinakailangang gawin sa Bansud-Sablayan road project. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s