Tagalog news: Pamilihang bayan ng Mamburao, bubuksang muli sa publiko

MAMBURAO, Occidental Mindoro, May 15 (PIA) – Muling magbubukas sa bayan ng Mamburao ang kanilang pamilihang bayan.

Posibleng matapos ang pagsasaayos ng naturang pamilihan sa ika-17 ng Mayo.

Ayon kay Mayor Angelina F. Tria, kinailangang sumailalim muna ang nasabing palengke sa ilang improvements. Kabilang sa mga ginagawa ay ang pagpapalaki ng stalls, pagkumpuni sa drainage system ng ikalawang palapag at pagpipintura ng buong gusali.

“Nakapagpondo tayo ng P2.35 milyon para sa ‘improvements’ na kailangan ng palengke”, saad ni Mayor Tria. Higit na pinagtuunan ng pansin ay ang drainage pipes ng ikalawang palapag kung saan, base sa disenyo ng palengke, ay siyang paglalagyan ng wet market section. Ipinaliwanag ng punong bayan, na lumabas sa kanilang inspeksyon, malaki ang problemang idududlot ng mga sirang drainage pipes sa mga ilalagay na tindahan sa unang palapag kapag hindi ito isinaayos. “Dahil nga wet market, malansa ang duming manggagaling sa drainage pipes”, dagdag pa ng mayor.

Ang pamilihang bayan ng Mamburao at matagal na hindi nagamit. Iniutang sa bangko ng nakaraang administrasyon ang pagpapagawa sa nasabing pamilihang bayan sa halagang higit sa P100 milyon. Ayon kay Mayor Tria, hindi naging tama ang proseso ng pangungutang na siyang nagsilbing basehan upang paboran ang kasalukuyang pamahalaang lokal (LGU Mamburao) sa kasong kinaharap nito laban sa bangko na nagpautang. “Ipinangako natin sa taong bayan ang muling pagbubukas ng palengke, at ito ngayon ay malapit nang matupad”, ayon pa sa punong bayan.

Matapos ang isinasagawang improvements ay agad na isasaayos ng LGU Mamburao ang ilan pang mga detalye upang muling mapakinabangan ang pamilihang bayan ng mga mamamayan ng Mamburao. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s