Tagalog news: Mga bagong taga-pangalaga ng kalikasan sa OccMin, itinalaga

SAN JOSE, Occidental Mindoro, May 15 (PIA) – Isinagawa noong Mayo 9 ang turn over ceremony para sa pagtatalaga ng bagong Tamaraw Conservation Program (TCP) Coordinator at Protective Area Superintendent (PASu) sa tanggapan ng TCP sa bayan ng San Jose.

Ayon kay Dally Joy Roca, administrative aide ng Protected Area Office (PAO), itinalaga bilang bagong TCP Coordinator si Ma. Teresita David Jr. Si David ay nagmula sa CENRO (Community Environment and Natural Resources Office) San Jose. Itinalaga naman bilang bagong PASu si Fe Raguindin na galing CENRO Sablayan.

Ang tanggapan ng TCP ang nangunguna sa pagpapatupad ng programa sa pangangalaga ng Tamaraw na sa isla lamang ng Mindoro matatagpuan. Nais ng tanggapan na muling maiangat ang dami ng mga ito na batay sa pinakahuling bilang ay nasa 401 lamang.

Ang PAO naman ay nangangalaga sa Mts Igli-Baco National Park, isang ASEAN Heritage Park at kabilang sa mga protected areas ng bansa. Ang national park na ito ay tahanan ng mga Tamaraw at iba pang wildlife. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Mindoro climbing rat at Philippine deer para sa mga hayop, Mindoro imperial pigeon at Mindoro scops owl sa mga ibon at kalantas tree at tindalo, ay ilan lamang sa halimbawa ng mga halaman.

Ang TCP at PAO ay parehong tanggapan na nasa ilalim ng ahensya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Samantala, hinirang naman bilang bagong tagapamuno ng CENRO Sablayan si Rodel Boyles, ang dating TCP Coordinator at PASu ng lalawigan. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s