Tagalog news: Gusali ng TESDA Mimaropa reg’l, prov’l offices, itatayo sa Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 15 (PIA) – Magkakaroon na ng sariling bagong gusali ang Techical Education and Skills Development Authority (TESDA) Mimaropa Regional at Provincial Offices sa Lungsod ng Calapan matapos isagawa kamakailan ang isang ground breaking ceremony sa loteng ipinagkaloob ng mag-asawang Raul at Josie Villamor na may sukat na 1,000 square meters sa Brgy. Masipit.

Pinangunahan ni TESDA Regional Director Carlos C. Flores at Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Director Atty. Alvin M. Villamor, kasama sina Bise-Gob. Humerlito A. Dolor, Provincial Administrator Nelson B. Melgar, Bokal Antonio S. Perez, Jr., Bokal Jean Paolo R. Umali, TESDA Deputy Director General for Operations Alvin S. Feliciano, ang nasabing groundbreaking.

Ayon kay Flores, matutupad na rin ang matagal nilang pinangarap na magkaroon ng sariling gusali.

Aniya, mahigit isang dekada na nangungupahan ang TESDA sa lalawigan at malaki rin ang naging kunsumo nito sa kanilang maintenance and other operating expenses (MOOE).

Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni Gob. Umali, sinabi ni Melgar na nagsimula ang TESDA sa isang bisyon na sinundan ng pangarap na ngayon ay natupad na. Pasasalamat sa ngalan ni Gob. Umali ang kanyang ipinaaabot sa walang sawang tulong na ipinagkakaloob ng TESDA sa pamahalaang panlalawigan.

Mensahe rin ng pagbati sa TESDA sa pagkakaroon nila ng permanenteng tanggapan sa Oriental Mindoro ang ipinaabot nina Bise-Gob. Dolor, Bokal Perez na kumatawan kay 1st District Representative Salvador Paulino C. Leachon at Bokal Umali na kumatawan naman kay 2nd District Representative Reynaldo V. Umali.

Sinabi naman ni DDG Feliciano na naglaaan ng panimulang pondo para rito ang kanilang tanggapan at dinagdagan ito ng P5 milyon ng Central Office sa pamamagitan ni TESDA Secretary Guiling A. Mamondiong.

Taus-pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng TESDA sa mga tumulong upang maisakatuparan ang nabanggit na proyekto.

Hindi lamang ang TESDA ang magkakaroon ng permanenteng tanggapan sa Lungsod ng Calapan. Inaasahan na sa darating na Mayo 2018, nakalipat at operational na ang mga panrehiyong tanggapan ng iba’t ibang ahensya ng Mimaropa. Ito ay alinsunod sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 10879 na nagtatakda sa Lungsod ng Calapan bilang Regional Government Center ng Mimaropa. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s