Tagalog news: Bagong BOD ng Capitol Press Club ng OrMin, nanumpa sa tungkulin

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 15 (PIA) – Nanumpa kamakailan sa tungkulin ang mga bagong halal na Board of Directors ng Capitol Press Corps (CPC) kamakailan.

Nahalal bilang Chairman of the Board si Mindoro Bulletin Publisher Joe Leuterio samantalang nahalal naman bilang miyembro sina Radio Station DWOM Manager Honrado P. Vega, Philippine National Police (PNP) Lingkod-Bayan host Nora Rocco, Manila Bulletin Correspondent Jerry Alcayde, Budyong Editor-in-Chief Gina Macuha, Radyo Natin Broadcaster Ruel Mazon at Opinyon Publiko host Jake Ramirez.

Ang CPC na may 26 kasaping mamamahayag ay inisyatiba ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. Ito ay binubuo ng mga mamamahayag mula radyo, telebisyon at dyaryo na naglalayong pagkaisahin sa pagtupad ng tungkulin nito sa mamamayan na maging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa paghahatid ng mga impormasyon hinggil sa mga programa at proyektong ipinatutupad sa lalawigan.

Sa pamamagitan ng CPC, naipaaabot ang mga programa at proyektong ipinatutupad ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinasagawang buwanang press conference kung saan nagiging panauhin dito bilang panelist ang mga opisyal at kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaang lokal at nasyunal. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s