Tagalog news: 1st Mangyan Motorcycle Endurance Challenge, isinagawa sa Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 15 (PIA) – Isinagawa sa lalawigan kamakailan ang kauna-unahang Mangyan Motorcycle Endurance Challenge na nilahukan ng 218 motorcycle riders mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa maikling programang isinagawa sa Kapitolyo bago ang challenge take off, binati ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. ang riders na lumahok at ipinahayag ang hangarin niyang ligtas na matapos ng mga ito ang gawain. Iminungkahi niyang gawin na itong annual event at pag-aaralan kung paano ito higit pang mapapasaya.

Ipinaalala rin ni Luna sa mga rider na hindi karera ang nabanggit na challenge. Kailangan lang na matatakan ang kanilang mga ibinigay na pasaporte ng organizers sa bawat itinalagang checkpoint upang sila ay tanghaling finisher. Hinikayat din niya ang mga ito na pairalin ang disiplina at road safety.

Matatandaan na sinimulan ang challenge take off bandang 9:00 ng gabi kung saan tinahak ng riders ang ruta mula sa Kapitolyo sa Lungsod ng Calapan patungo sa bayan ng Abra de Ilog sa Occidental Mindoro at muling bumalik sa Lungsod ng Calapan. Dumaan sila sa siyam na itinalagang checkpoints upang magpatatak ng kanilang mga pasaporte at tinapos ng riders ang 1,000 kilometrong endurance challenge sa loob ng 24 oras.

Nagtapos ang gawain sa isang fellowship dinner sa Kapitolyo kung saan ipinagkaloob ang mga certificate at passport para sa mga finisher.

Pinasalamatan ni First District Board Member Juan Paolo G. Luna, Chairman ng Mangyan Riders Club, si Gob. Umali sa buong pagsuporta niya sa naturang gawain gayundin ang suporta at pakikiisa sa gawain ng ilan sa mga malalaki at kilalang motorcycle clubs sa bansa tulad ng BMW Owners Society of Saferiders (BOSS), High on Great Adventure (HOGAD), Harley Owners Group (HOG) Philippines at ang iba pang motorcycle clubs.

Sa pananalita ni Provincial Administrator Nelson B. Melgar, sinabi niyang sa nakitang kagandahan ng Oriental Mindoro ng riders, hangad niyang muling bumalik ang mga ito sa lalawigan.

Samantala, ang Mangyan Motorcycle Challenge ay inorganisa ng Mangyan Riders Club at sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO).

Ayon kay PTIEDO OIC Orlando B. Tizon, ang Mangyan Motorcycle Endurance Challenge ay isang gawaing panturismo na nakabatay sa isa sa mga programang isinusulong ng Department of Tourism, ang Motorcycle Tourism. Aniya pa, ang Oriental Mindoro ay naglunsad na rin ng ganitong programa sa lalawigan – ang Motour na naglalayong isulong ang turismo sa lalawigan sa pamamagitan ng pagmomotorsiklo. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s