Tagalog news: Paligsahang ‘Baybay Scoop Basura’, isinagawa sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 12 (PIA) — Itinampok sa kauna-unahang pagkakataon sa selebrasyon ng ‘Pangalipay sa Baybay’ sa lungsod ng Puerto Princesa ang ‘Baybay Scoop Basura’ o paligsahan sa pag-kolekta ng basura sa baybayin ng siyudad.

Layon nito na mas mapaigting ang kampanya ng Pamahalaang Lungsod para sa kalinisan at kagandahan ng paligid, mapaangat ang antas ng kamalayan ng mamamayan sa pagpapahalaga sa kalinisan ng mga baybayin at karagatan.

Sampu ang lumahok at bawat isa dito ay may dalawang partisipante na gumamit ng bangkang di-sagwan, di-padyak (non-motorized) sa pangongolekta ng basura mula sa baybayin at karagatan sa bahagi ng Baywalk. Ang may pinaka-mabigat na makokolektang basura ang siyang magwawagi.

Samantala, nagwagi sa paligsahan na siyang may pinaka-mabigat na nakolektang basura ay sina Jerome Bartolay at Arnel Asne ng Barangay Mandaragat na nakakuha ng 177 kilo ng basura. Sinundan ito nina Ceferino Naraga at Archie Lanzaderas ng barangay San Isidro na may nakolektang 170 kilo ng basura,165 kilo naman ang nakolekta nina Ronnie Calvario at Diony Lanzaderas ng Bgy. San Isidro na nagkamit ng ikatlong gantimpala.

Nagawaran ng premyong Php10, 000 ang unang gantimpala, Php5,000 sa ikalawa at Php3,000 naman sa ikatlo. Bawat hindi nanalo ay nagkamit naman ng consolation na halagang Php1, 500.

Sa loob ng isang oras at kalahating paligsahan mahigit sa isang toneladang basura ang nakuha sa bahagi ng Baywalk.

Samantala, ayon sa Oplan Linis Program ng pamahalaang lungsod, inaasahan ding buksan ang nasabing patimpalak sa mga barangay lungsod upang mapalakas pa ang kampanya. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s