Tagalog news: Mga BHW sa bayan ng Concepcion, sumailalim sa training ng DOH

CONCEPCION, Romblon, Mayo 12 (PIA) — Sumailalim sa tatlong araw na training / seminar ang 32 Barangay Health Workers (BHW) ng bayan ng Concepcion, Romblon kamakailan na ginanap sa Concepcion Central Elementary School Social Hall.

Ang naturang pagsasanay ay may kaugnayan sa re-echo ng pagkuha ng vital signs ng pasyente, mga dapat o tamang gagawin ng BHW sa mga emergency cases and referrals, kung paano mangalaga sa mga buntis at mga bata, pagbibigay at pagtuturo ng wastong nutrisyon sa kanilang nasasakupan.

Bahagi ito ng programa ng Department of Health (DOH) na magkaroon ng maayos na serbisyong medikal ang lahat ng komunidad sa buong bansa.

Inorganisa ang training/seminar ng mga kawani ng Rural Health Unit (RHU) – Concepcion sa pamumuno ni Dr. Jemuel Chua at Ms. Lucille Falculan, Registered Nurse, sa pakikipagtulungan ng DOH sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na si Mr. Michael John Balgos, RN kung saan sila rin ang mga nagsilbing resource speakers para sa tatlong araw na seminar.

Ayon kay Criselle Jane Fabreag, RN, isa sa mga kawani ng RHU-Concepcion, naging masaya at makabuluhan ang isinagawang training kasi nakita nila kung gaano ka-dedicate ang mga BHW sa kanilang trabaho at masasalamin din ang kanilang teamwork dahil aktibo ang lahat at ipinakiting gusto talaga nilang matuto. (DE/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s