Tagalog news: Merkado sa Kapitolyo ng OrMin, binuksan para sa publiko

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 12 (PIA) – Binuksan na sa publiko noong nakaraang linggo ang Merkado sa Kapitolyo Week-end Producers’ Market sa parking area ng Provincial Capitol Complex.

Regular nang magbubukas ang merkado tuwing Byernes simula alas kwatro ng hapon hanggang alas dose ng hatinggabi at Sabado simula naman alas syete ng umaga hanggang alas dos ng hapon.

Ang Merkado sa Kapitolyo ay isang pilot project ng pamunuan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. na ang pangunahing layunin ay tulungan ang mga magsasaka at small and medium entrepreneurs na magkaroon ng alternatibong pamilihan ng kanilang mga produkto.

Makikinabang sa proyekto ang mga magsasaka at maliliit na negosyante dahil mababawasan ang kanilang gagastusin sa transportasyon at iba pang kaakibat na bayarin. Wala ring bayad ang mga itatayong pwesto para sa mga ito.

Malaking tulong din ito sa mga empleyado ng Kapitolyo dahil magkakaroon na ang mga ito ng malapit na pamilihan. Makatitiyak ang mga mamimili dito na mura, sariwa at masusustansyang pagkain ang kanilang mabibili.

Bukod pa rito, makatutulong din ito sa pagpapasigla ng ekonomiya at pagkakaroon ng karagdagang hanapbuhay sa mga magsasaka.

Pangangasiwaan ang merkado ng Provincial Agriculture Office (PAgO) sa pamumuno ni Provincial Agriculturist Christine M. Pine, sa pakikipagtulungan ng Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO) na pinamumunuan ni PTIEDO OIC Orlando B. Tizon.

Kabilang sa binuong technical working group para rito ang Strategic Planning Team, Provincial Planning and Development Office (PPDO), Provincial Veterinary Office (PROVET), Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), Provincial Engineer’s Office (PEO), Provincial General Services Office (PGSO), Mindoro State College of Agriculture and Technology (MinSCAT), Divine Word College of Calapan (DWCC), Civil Security Office, Communication and Public Relations Services Division (CPRSD) at City and Municipal governments.

Para sa iba pang detalye at sa mga interesadong lumahok sa Merkado sa Kapitolyo, maaaring makipag-ugnayan o tumawag sa PAgO sa telepono (043)-2882282 at sa PTIEDO sa telepono (043) 286-7046. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s