Tagalog news: Diskwento Caravan ng DTI Romblon, muling aarangkada

ODIONGAN, Romblon, Mayo 12 (PIA) — Muling aarangkada ang diskwento caravan ng tangapan ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya o Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang bahagi ng probinsiya ng Romblon.

Ang diskwento caravan ay magsisimula sa ika-15 ng Mayo hanggang sa unang araw ng Hunyo sa mga bayan ng Magdiwang, San Fernando, Cajidiocan, Romblon, San Agustin, Banton, Corcuera, Sta. Maria at Santa Fe.

Ayon kay DTI Provincial Caretaker Orville F. Mallorca, mga kagamitang pampaaralan at ilang tanging produktong pambahay ang kanilang ibebenta sa wholesale price o presyong pang-Divisoria, gaya ng notebook, lapis, ballpen, papel at eraser gayun din ang sabon, sardinas, health drinks at shampoo.

Sinabi rin nito na ang mga ilang produktong nabanggit ay nakuha mula sa mga distributors kaya napakalaki ng matitipid ng mga kababayan natin sa mga kagastusan ngayong pasukan.

Sa pagbibigay halimbawa ng DTI Romblon, ang kagamitan ng isang mag-aaral na nangangailangan ng walong notebooks, isang pad paper, isang lapis o ballpen, ay aabot lamang sa halagang Php90.50 gayong ang regular na presyo sa nabanggit na gamit ay di kukulang sa halagang Php117.00 o me tipid na Php26.50 na syang pwede namang ipambili ng de-lata, kape, gatas o maaring itumbas na sa kalahating kilo ng bigas.

Nilalayon ng programa ng diskwento caravan na mabigyan ng konting ayuda ang naghihikahos na pananalapi ng pamilyang Pilipino bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo sa pamilihan.

Gayundin, inamin ni Provincial Caretaker Mallorca na di ninanais ng programang ito na direktang makipag-kompetensya sa mga negosyante kaya minarapat nilang di ilapit sa pamilihan (commercial centers) bagkus ay sa mga kampus ng mga paaralan.

Maging ang oras ng pagbebenta ay aabot lamang ng tatlo hanggang apat na oras lamang kada bahagi ng kanila caravan.

Kung mapapansin ang panahon ng pag-iikot ng diskwento caravan ay itinataon sa linggo ng Brigada Eskwela, na magandang pagkakataon sa mga magulang at kababayan na mamili na ng kanilang pangangailangan bago magsimula ang pasukan.(MF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s