Tagalog news: 63 magsasaka ng San Jose susubok sa rice demo farm ng DA

SAN JOSE, Occidental Mindoro, May 12 (PIA) – Matapos magsagawa ng technical briefing demo sa hybrid rice ang Department of Agriculture (DA) sa San Jose Municipal Gymnasium kamakailan, 63 magsasaka ng bayan ng San Jose ang nagkumpirma na sasailalim sa programang ito.

Ayon kay Romel Calingasan, tagapamahala ng Municipal Agriculturist Office dito, nais tumulong ng mga nasabing magsasaka, na sa pamamagitan ng programa, ay makagawa ng pagaaral hinggil sa limang variety ng hybrid seeds na gagamitin sa programa.

Batay sa paliwanag ng DA, sampung ektarya kada isang magsasaka ang ilalaan ng mga kasali sa programa kung saan itatanim ang limang magkakaibang variety ng hybrid seeds na ibibigay ng DA. Sa pamamagitan nito ay malalaman kung aling variety ang higit na makapagbibigay ng maraming ani, base sa klase ng kalupaan sa nasabing bayan.

Ang mga barangay na lalahok sa programa ay ang barangay Central, San Agustin, Monteclaro at Batasan.

Naniniwala ang DA na sa pamamagitan ng nasabing programa ay makakabuo ng magandang plano ang pamahalaan upang makamit ang inaasam na kasapatan sa pagkain ng bansa. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s