Tagalog news: Wala pang cocolisap sa bayan ng Concepcion, Romblon, ayon sa PCA

CONCEPCION, Romblon, Mayo 11 (PIA) — Pinawi ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang pangamba ng mga residente ng Cocepcion, Romblon matapos nitong kumpirmahin na wala pang cocolisap na nakarating sa naturang bayan.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nag-alala ng husto ang mga magniniyog sa bayan ng Concepcion ng kanilang napansin ang unti-unting pagkatuyo at pagkamatay ng ilang puno ng niyog sa ibat-ibang barangay.

Agad na nagtungo ang mga kawani ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa nasabing bayan upang magsagawa ng inspeksiyon sa mga taniman ng niyog at kanilang nakita na hindi cocolisap ang sanhi ng pagkamatay ng mga niyog kung hindi ang mainit na panahon.

Siniguro rin ng mga tauhan ng PCA sa mga nangangambang residente na wala pang mapaminsalang cocolisap na nakarating sa kanilang lugar.

Batay sa obserbasyong ginawa ng PCA, ang pagkatuyo marahil ng mga dahon ay sanhi lamang ng pabago-bagong panahon at ang nararanasang matinding init ngayong taon na normal lamang nangyayari kaya wala daw dapat ipag-alala ang mga residente. (DE/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s