Tagalog news: OrMin, host ng 13th Mimaropa Regional PESO Congress

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 11 (PIA) – Idinaos sa Oriental Mindoro ang 13th Public Employment Service Office (PESO) Mimaropa Regional Congress na may temang “Pinagtibay na Bagong PESO: Tulay sa Pag-asenso sa Buhay ng Manggagawang Pilipino” noong nakaraang buwan.

Ito ang ikawalang pagkakataon na nagsilbing host ang Oriental Mindoro ng ganitong pagtitipon.

Dumating sa lalawigan ang PESO Managers mula sa iba’t ibang lalawigan ng Mimaropa na kinabilangan ng Marinduque, Palawan, Romblon, Occidental at Oriental Mindoro.

Malugod na tinanggap ni Municipal Administrator Venancio Yap, kinatawan ni Puerto Galera Mayor Rockey D. Ilagan, ang mga delegado ng nabanggit na kongreso sa pambungad na programang ginanap sa Sea Jewel Beach Resort sa Brgy. San Isidro, Puerto Galera.

Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr., binigyang-diin ni Executive Assistant IV Dr. Romeo G. Infantado ang kahalagahan ng PESO sa lalawigan.

“PESO is the employment hub for local and overseas employment. We assist constituents looking for jobs in and outside the province and abroad. It is the right hand of the Department of Labor and Employment in extending inquiries, assistance services and various programs”, pahayag ni Infantado.

Binanggit din niya ang mga naging matagumpay na programa ng PESO sa Mimaropa noong 2016. Napagkalooban, aniya ng trabaho ang 1,355 indibidwal sa lalawigan partikular sa malalaking malls tulad ng Robinsons, Puregold at Gaisano. Samantalang 2,145 katao naman ang nabigyan ng trabaho sa economic zones sa ibang lalawigan at 588 indibidwal ang nabigyan ng pagkakataon na magkatrabaho sa ibang bansa.

Sa mensahe ng kinatawan ni DOLE Secretary Silvestre H. Bello III, ipinahayag ni Regional Director Atty. Alvin M. Villamor na mahalaga ang papel na ginagampanan ng PESO sapagkat sila ang katulong ng DOLE sa pagpapatupad ng developmental program ng kanilang tanggapan.

Ipinahayag naman ni Regional PESO Federation President Alicia C. Fetalvero ang mga layunin ng naturang pagpupulong. Aniya, ang pagdaraos ng congress ay nagpapatibay sa PESO Regional organization dahil isa itong pamamaraan upang malaman ng mga delegado ang mga bagong programa at polisiya ng DOLE. Nagkakaroon din, aniya ng palitan ng mga ideya, karanasan at best practices na maaaring tularan ng bawat lalawigan. Bukod pa rito, nabibigyan ng halaga ang pagkakaibigan, samahan at pagkakaisa sa PESO Managers ng rehiyon.

Tinalakay din sa gawain ang eight-point Labor Agenda ng DOLE sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Samantala, natalakay rin ang pag-amyenda sa PESO Act na nagbibigay ng direktiba sa mga pamahalaang lokal na isama sa kanilang mga pangunahing programa ang employment facilitation. Bahagi rin nito ang pagtatayo ng PESO at pagbibigay ng plantilla item sa PESO Officer.

Bukod pa rito, napag-usapan din ang pag-amyenda sa Special Program for the Employment of Students (SPES) Act. Simula sa taong ito, babayaran na ng cash ang mga kabataang nag-SPES sa halip na educational vouchers na sa bangko pa ipinapalit. Magkakaroon din ng pagbabago sa edad ng mga maaaring tanggapin sa SPES. Magiging 15 hanggang 30 taong gulang na ang maaaring mag-SPES, mula sa 15 hanggang 25 taong gulang na kabataan.

Nagkaroon din ng Productivity Orientation mula sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board, DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program Orientation at oryentasyon sa mga pamantayan para sa National Search for Best PESO.

Pinangasiwaan ang gawain ng Office of the Governor – Education and Employment Services Division na pinamumunuan ni Supervising Administrative Officer Antonio M. Magnaye, Jr. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s