Tagalog news: Kampanya kontra-droga sa OrMin, inilunsad ng Seventh Day Adventist Church

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 11 (PIA) – Inilunsad sa lalawigan kamakailan ang programang Hope Zigzag na may kampanyang “Sagipin ang Bukas: Kaya Natin ‘To ng Walang Droga” ng Seventh-Day Adventist (SDA) Church bilang suporta sa malawakang kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R.Duterte.

Ang Hope Zigzag ay isinagawa sa Naujan Lake View Park, Brgy. Happy Valley, Socorro na kung saan makikita ang mga zigzag na daan na hindi magiging hadlang sa pagsugpo sa iligal na droga at ito ay dinaluhan ng may 2,000 Seventh-Day Adventists mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan.

Ayon kay Youth Director Pastor Jobbie Yabut ng SDA Southern Asia Pacific Division, ang naturang programa ay nasa ilalim ng Adventist Community Services sa pamamagitan ng Health Ministries Department sa pakikipagtuwang sa pamahalaan. Ang proyekto ay nakatuon sa moral at spiritual recovery program para sa mga drug surrenderee sa pamamagitan ng pagbibigay ng seminar sa mga ito.

Binigyang-diin naman ni Health Ministries Director Pastor Arnel Gabin ng SDA North Philippine Union Conference na tutulong ang naturang programa sa pagpapaalala sa publiko na walang maidudulot na mabuti ang droga, na ito’y hindi nararapat subukan o gawin at ito’y makasisira sa kinabukasan ng bawat mamamayang masasangkot.

Samantala, sa pamamagitan ng SDA Community Services at Health Ministries Department, sumailalim na sa mga pagsasanay ang mga kapatiran na magiging kaagapay ng mga awtoridad upang pangasiwaan ang pakikipag-ugnayan sa pagbabalik-loob at tuluyang pagbabago ng drug surrenderees. Malaking pagsuporta naman sa inilunsad na programa ang ipinahayag ng dalawang pinakamatataas na pinuno ng Oriental Mindoro na sina Gob. Alfonso V. Umali Jr. at Bise-Gob. Humerlito A. Dolor.

Ayon kay Umali, higit na magiging matagumpay ang kampanya laban sa iligal na droga ng pamahalaan dahil kasama nito ang pamunuan at mga myembro ng Seventh Day Adventist.

Kinilala naman ni Dolor ang malaking inisyatiba ng SDA na tumulong sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtutuwang ng pamahalaan at pribadong sektor. Binanggit din niya ang ilang pangunahing dahilan kung bakit mayroong nalululong sa droga lalo na ang kabataan at ang nagiging epekto ng iligal na droga sa katawan ng tao.

Samantala, lumagda sina Umali at Dolor sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at SDA Church na naglalaman ng masidhing pagtutuwang sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Naging katuwang din sa pagtataguyod ng programa ang Philippine National Police (PNP), Philippine Army, Pamahalaang Bayan ng Socorro at iba pang konsernadong grupo at indibidwal.

Inaasahan namang magtutuluy-tuloy ang kampanya kontra iligal na droga at sama-samang itataguyod ang programa para sa magandang kinabukasan at mapayapang komunidad sa lalawigan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s