Tagalog news: Fish Landing sa Kalayaan Island, pinondohan ng BFAR

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 11 (PIA) — Naglaan ng Php3 milyon na pondo ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Mimaropa para sa pagpapatayo ng Community Fish Landing Center (CLFC) ngayong taon sa bayan ng Kalayaan sa West Philippine Sea.

Ito ay upang matulungan ang mga Pilipinong mangingisda partikular sa barangay Pagasa sa naturang bayan sa kanilang ikinabubuhay.

Ayon kay BFAR Assistant Regional Director Roberto Abrera, ang paglalagay ng pasilidad ay ipinangako ni BFAR National Director Eduardo Gongona na personal na ring nadalaw ang isla.

“Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga mangingisda na mai-preserba ang kanilang huling isda kapag hindi pa ito naibenta kaagad, meron din tayong ibibigay na malalaking freezer na maaaring paglagakan ng kanilang nahuli”, Ani Abrera.

Aniya, dahil mahirap sa kasalukuyan ang kuryente sa Pagasa kaya maglalagay din ang BFAR ng mga hybrid solar panel.

Dagdag pa ng opisyal, inisyal pa lamang ang naturang halaga sapagkat maaari pa itong madagdagan dahil ikino-konsidera rin ang layo ng lugar na pagtatayuan ng proyekto.

Ito ay bahagi lamang aniya ng pamamaraan upang mapagtibay ng pamahalaan ang ‘claim’ sa mga islang nasasakupan ng bansa.

Dagdag pa ng opisyal, plano na rin ng ahensya na maglagay ng kanilang detachment sa Kalayaan.

Taong 2016, pitong CFLC ang naitayo ng BFAR sa lalawigan partikular sa Barangay Antipuluan, Narra, Salvacion sa bayan ng Busuanga, Decabobo sa Coron, Punta Baja sa Rizal, barangay Poblacion, Taytay, bayan ng Balabac at Villapaz sa bayan ng El Nido.

Samanlata, ngayong taon, maliban sa Kalayaan, maglalagay din ng pasilidad sa Dumaran, Brooke’s Point at lungsod ng Puerto Princesa. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s