Tagalog news: Barangay Bubog nanguna sa street dancing competition sa San Jose

SAN JOSE, Occidental Mindoro, May 11 (PIA) – Nakamit ng Barangay Bubog ang unang pwesto sa isinagawang Inter-Barangay Street Dancing Competition sa bayan ng San Jose bilang pagdiriwang ng Indak Pandurukan Festival 2017 kamakailan.

Dahil dito tumanggap ang nasabing barangay ng cash prize na nagkakahalaga ng P50,000 at P 300,000 worth of projects para sa kanilang barangay. Pumangalawa naman ang Barangay Batasan na naguwi ng premyong nagkakahalaga ng P40,000 cash prize at P250, 000 worth of projects. Ang pangtlong pwesto ay nakamit ng Barangay Mapaya na tumanggap ng P30,000 cash prize at P100,000 worth of projects.

Tumanggap naman ng P 15,000 bilang consolation prize ang iba pang mga barangay na hindi pinalad sa nasabing kumpetisyon. Ang mga ito ay ang Barangay Bayotbot, Caminawit, La Curva, Monteclaro, San Roque at Central.

Napili namang Best in Tamaraw/Mangyan costume ang barangay Batasan, best female dancer si Reylyn De Los Santos at best male dance naman si Von Jovi Capin.

Ang Indak Pandurucan Festival, na may temang Mangyan at Tamaraw: Mukha at Kulay ng San Jose, Occidental Mindoro, ay isa sa pinakaabangang aktibidad bilang bahagi ng kapistahan at ika-107 pagkakatatag ng bayan ng San Jose.

Ayon sa Municipal Tourism Office, ang Indak Pandurucan Festival ay DOT (Department of Tourism) accredited Festival. Ibig sabihin nito, kabilang ang nasabing aktibidad sa mga selebrasyon na makikita sa kalendaryo ng DOT. Isa sa mga dahilan kung bakit may mga turistang bumibista sa San Jose tuwing gaganapin ang Indak Pandurucan Festival. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s