Tagalog news: 100% passing rate sa ‘bar exam’, nakuha ng Palawan State U

PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 11 (PIA) — Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakuha ng 100 porsiyentong passing rate ang Palawan State University (PSU) sa isinagawang ‘bar examination’ noong Nobyembre 2016.

Sa inilabas na resulta ng Korte Suprema kamakailan, pumasa ang lahat ng sampung ‘bar examinee’ mula sa PSU-College of Law.

Ang mga ito ay sina Ariel A. Abis, Mary Melanyn G. Arambulo, Fatima J. Bacuteng, Oscar M. Cardano Jr., Gemmalu O. Molleno-Placido, Kerwin Arnold Mawie C. Palatino, Mary Catherine P. Ponce De Leon, Rio Jean A. Quindara, Joseph Isaiah F. Rivera and Irish R. Villamor.

Ikinatuwa naman ito ng pamunuan ng PSU at maganda umanong balita ito upang mas makahikayat pa ng maraming mag-aaral na kukuha ng kursong abogasya.

Ang PSU ang tanging unibersidad sa lalawigan ng Palawan na mayroong College of Law.

Ayon sa ulat 59.06 porsiyento o may kabuuang 3,747 ang pumasa sa nasabing pagsusulit mula sa 6,344 na kumuha nito sa buong bansa. (OCJ/PIA-MIMAROPA Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s