Tagalog news: Tulong pambarangay ipinagkaloob sa mga bayan ng Baco at Pola sa OrMin

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 4 (PIA) – Muling namahagi kamakailan ng saku-sakong semento ang Pamahalaang Panlalawigan sa iba’t ibang barangay ng lalawigan na bahagi ng programang pambarangay ng kapitolyo sa mga bayan ng Baco at Pola.

Layunin ng gawain na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa proyekto ng mga ito, partikular ang mga pagpapasemento ng mga kalsadang pangunahing dinadaanan ng mga nasa malalayong lugar pa. Ipinagkaloob ang mga nasabing kagamitan sa pamamagitan ni Executive Assistant I Stephanie Sue M. Umali, kinatawan ng gobernador.

Sa pinakahuling pamamahagi ng kapitolyo, nabigyan ang may 14 na barangay sa bayan ng Baco at walo naman sa bayan ng Pola ng mga materyales pang-imprastraktura.

Sa kabuuan, may 1,300 sako ng semento ang naipamahagi sa iba’t-ibang barangay ng mga nabanggit na bayan.

Kabilang sa mga barangay na napagkalooban ng mga semento sa bayan ng Baco ay ang mga barangay ng Water, Lumangbayan, Sta. Cruz, Poblacion, Catwiran I, Malapad, Putican Cabulo, Mayabig, Mangangan I, Bangkatan, Dulangan I, San Ignacio, San Andres at Tabon- Tabon. Napagkalooban din ng saku-sakong semento ang Barangay Matulatula, Pahilahan, Tiguihan, Puting Cacao, Buhay na Tubig, Misong, Batuhan at Calima ng bayan ng Pola.

Ayon kay Puting Cacao Barangay Captain Peter F. Fiestada, malaking tulong at kaginhawaan para sa mga mamamayan ng nasabing barangay ang ibinigay na saku-sakong semento na, aniya, ay magagamit nila sa pagpapakongkreto ng mga daan. Sa ganitong paraan, mas magiging maalwan, aniya, ang pag-aangkat ng kanilang mga produkto at ani sa merkado gayundin ang pagpasok ng mga kabataan sa eskwelehan. Laking kaginhawaan din, aniya, para sa mga karatig barangay na kung minsan pa ay tumatawid ng karagatan upang makapunta sa kanilang destinasyon. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s