Tagalog news: ‘Operation Taphang’ patuloy na isasagawa sa San Jose, OccMin

SAN JOSE, Occidental Mindoro, May 2 (PIA)—Matapos pansamantalang matigil ang Oplan Tokhang sa bayan ng San Jose, ay ipinagpatuloy ng San Jose Municipal Police Station (SJMPS) ang Oplan Taphang at ang Revisitation o pagbisita sa mga drug surrenderers.

Ang Oplan Taphang ay ang paghahatid ng impormasyon ng mga programa ng kapulisan sa komunidad.

Karaniwang target ng kapulisan sa Oplan Taphang ay ang mga eskwelahan upang maiparating sa mga kabataan ang masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. “Sa pamamagitan ng Oplan Taphang, maipapaliwanag namin sa mga estudyante kung bakit dapat nilang iwasan ang drugs”, saad ni SP02 Ma Jocelyn Doronio, tagapamahala ng Police Community Relations (PCR) Office ng SJMPS.

Ayon pa kay Doronio, kabilang sa mga programang tinatalakay sa Oplan Taphang ay ang Project Double Barrel Reloaded, Oplan Tokhang, House Profiling and Visitation, Barangay Drug Clearing Operation, RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004), Oplan Lambat Sibat at pagbibigay ng tips hinggil sa street crime prevention. Kabilang din ang barangay Mangarin sa nabisita ng SJMPS kamakailan upang magsagawa ng Oplan Taphang. Umabot sa 79 na residente ang dumalo sa nasabing aktibidad.

Naniniwala ang SJMPS na sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon hinggil sa mga programa ng PNP, lalo na ang mga programa laban sa illegal na droga, ay nagiging katuwang ng kapulisan ang kumunidad sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.

Samantala, nakataas pa rin ang Full Alert Status sa SJMPS. Nagsimula ito noong ika-19 ng Abril at inaasahang magtatapos sa ikalawa ng Mayo. Itinaas ang Full Alert Status upang maihanda ang mga kapulisan ng SJMPS sa pagdiriwang ng kapistahan dito. (VND/PIA MIMAROPA/Occ)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s