Tagalog news: Operasyon ng bagong Puerto Princesa Airport, umpisa na sa May 4

PUERTO PRINCESA, Palawan, May 2 (PIA) — Magbubukas na sa ika-4 ng Mayo ang bagong Puerto Princesa International Airport na unang itinakda sana sa huling linggo ng Abril.

Base sa kumpirmasyon ni Engr. Gill Pamatmat, airport project development manager ng Department of Transportation (DOTr), sa nasabing petsa, magsisimula nang gamitin ng lahat ng paalis at parating na airlines ang bagong paliparan.

Bago ang pagbubukas ng paliparan, magkakaroon ng seremonya na gaganapin sa May 3 kung saan inaasahang darating si DOTr Secretary Arthur Tugade kasama ang kinatawan ng bansang Korea sa Pilipinas.

Ang konstruksyon ng proyekto ay sinimulan noong 2014 na pinondohan ng gobyerno mula sa $102 milyon o katumbas ng Php4.46 bilyon na inutang ng pamahalaan ng Pilipinas sa Export-Import Bank of Korea (Kexim).

Mula sa nasabing halaga, $82.9 milyon o Php3.755 bilyon bahagi nito ang napunta sa konstruksyon na babayaran ng gobyerno sa South Korea sa loob ng 40 na taon sa halagang 0.1 interest rate lamang. Iginawad ang proyekto sa Kumho Industrial Company Limited-GS Engineering and Construction Joint Venture (Kumho GS).

Alinsunod sa tripartite memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan ng Department of National Defense (DND), noo’y Department of Transportation and Communications (DOTC) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ibibigay sa Philippine Air Force ang lumang paliparan habang ang apron ay mapupunta sa CAAP bilang general aviation para sa mga maliliit na aircraft.

Samantala, ang bagong terminal building ay may lawak na 13,000 sq m, anim na beses ang lawak kumpara sa lumang paliparan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s