Tagalog news: 3,000 mangrove propagules, nakatakdang itanim sa Pista ng Kalikasan ng Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, May 2 (PIA) — Tatlong libong mangroves propagules o punlang bakawan ang nakatakdang itanim sa taunang Pista ng Kalikasan.

Ang Pista ng Kalikasan ay isang programang ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa ilalim ng Provincial Environment and Natural Resources Office (Provincial ENRO) kung saan layon nito na mapangalagaan ang kalikasan, kagubatan at ang mga mangrove area ng Palawan.

Isinasagawa ito sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Strategic Environmental Plan (SEP) kung saan tanging ang Palawan lamang ang may ganitong batas sa buong bansa at nakapaloob din ito sa pagdiriwang naman ng Baragatan sa Palawan Festival.

Ngayong 2017, siniguro ng Provincial ENRO na handa na ang pagsasagawa ng Pista ng Kalikasan sa bayan ng Quezon ngayong Hunyo kung saan ang 3,000 punlang bakawan ay itatanim sa tinatayang tatlong ektaryang dalampigan sa sitio Balintang, Barangay Isugod.

Ang aktibidad na ito ay magkatuwang na itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan at lokal na pamahalaan ng munisipyo at mga barangay ng Quezon.

Taon-taon ay iba’t-ibang munisipiyo ang pinagdadarausan ng Pista ng Kalikasan. Nakaraang taon ay isinagawa ito sa Bayan ng Brooke’s Point. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s