Tagalog news: Agbiliwa 2017 Trade Fair sa OccMin, huling araw na

SAN JOSE, Occidental Mindoro, May 1 (PIA) – Hanggang bukas na lang, ika-2 ng Mayo, maaaring makabili ng mga produkto sa Agbiliwa Manufacturer’s Trade Fair 2017 (Agbiliwa 2017) na matatagpuan sa municipal plaza.

Laman ng Agbiliwa 2017 ang mga produktong gawa sa lalawigan na nais mai-promote ng Department of Trade and Industry (DTI). Lumahok dito ang may 25 exhibitors mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Ang Agbiliwa 2017 ay isa sa mga proyekto ng DTI para sa mga MSME’s (Micro Small and Medium Enterprises). Layunin nito na mabigyan ng lugar ang mga lokal na MSME’s na maipakita ang kanilang mga produkto at makakuha ng mga tagapagtangkilik mula sa lokal na mamimili at mga turista. Paghahanda rin ang nasabing aktibidad sa Regional Trade Fair na gaganapin sa Oktubre.

Ang Agbiliwa ay isang salitang katutubo na ang ibig sabihin ay ‘let us buy’. Isinasagawa ito taon-taon kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng San Jose.

Samantala, binigyan ng DTI ng parangal ang ilang exhibitors kahapon. Tinanggap ng Triple P Products ang Best in Sales Award sa Food Category at ang EZ Ceramics sa Non-Food Category. Pinarangalan naman bilang Best Booth ang Te And’s Handicrafts. (VND/PIA MIMAROPA/ Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s