Tagalog news: Barangay Health Workers ng Marinduque dumalo sa Regional BHW Congress

Boac, Marinduque, Abr. 28 (PIA)– Dumalo sa kauna-unahang Regional Barangay Health Workers’ Congress ang 12 BHWs ng Marinduque na ginanap kamakailan sa Ermita, Manila na may temang “Barangay Health Worker Kabalikat Tungo sa Kalusugan ng Lahat”.

Ilan sa tinalakay sa pagtitipong ito ang Philippine Health Agenda para sa taong 2016-2022 na inilunsad ni Department of Health (DOH) Sec. Rosell Ubial sa National Health Summit.

Sa presentasyon ni Dr. Lester Tan mula sa DOH, hindi pa rin daw nagbabago ang kanilang hangarin para sa sektor ng kalusugan. Pangarap pa rin ng kanilang ahensya na ang bawat Pilipinong magkakasakit ay magkakaroon ng proteksyong pinansyal, mahusay na kalusugan at kakayahang pagtugon sa pangangailangan ng lahat ng pasyente.

Nabigyan din ng pagkakataon ang mga BHWs na malaman ang mga benepisyong nakalaan sa kanila. Ang mga insentibo na kanilang pwedeng magamit ay hazard allowance, subsistence allowance,, training, education and career enrichment programs, civil service eligibility, free legal services at preferential access to loans.

Bukod pa rito ay nagkaroon din ng pagkakataon si Paciano Madlay, kinilalang BHW Bayani ng Kalusugan 2016, na magbigay ng kaniyang karanasan bilang isang health worker sa lalawigan ng Palawan.

Kwento ni Madlay sa kapwa nya mga health worker, malaki ang papel nilang mga BHW para sa kapwa nilang nangangailangan ng serbisyo.

“’Yung trabaho kaya niyang maghintay pero ang buhay ng tao hindi ‘yan makapaghihintay”, kwento ni Madlay.

Dahil sa kaniyang dedikasyon, binigyan ng plake si Madlay ng DOH Region 4-Mimaropa bilang ulirang pagkilala sa pagpapabuti ng kalidad ng kalusugan ng kaniyang mga kababayan. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s