Tagalog news: Paggawa ng coco candy bilang livelihood itinuro ng DOST-PSTC sa Odiongan

ODIONGAN, Romblon, Abril 24 (PIA) — Ang mga kinatwan ng Department of Science and Technology – Provincial Science and Technology Center (DOST-PSTC) ng Marinduque at Romblon ay nagtulungan upang matagumpay na magsagawa kamakailan ng Techno-Demo on Coconut Candy Production sa bayan ng Odiongan.

Tatlumpo’t dalawang katao mula sa hanay ng mga estudyante, manininda ng pagkain at pribadong sektor ang lumahok sa pagsasanay sa paggawa ng coconut candy kung saan maaari nila itong gawin na alternatibong pagkakakitaan.

Nagsilbing mga tagapagsanay sina Bb. Cecille R. Jaranilla na miyembro ng Mogpog Vegetable Growers, Inc. – Marinduque, at Bb. Maria Aleta M. Semilla na kinatawan ng DOST-PSTC Marinduque kung saan kanilang ibinahagi ang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng matamis na kendi mula sa kakang gata ng niyog.

Marami anilang mga iba’t ibang native delicacies ang nagagawa mula sa niyog gaya ng buko salad, bukayo, nata de coco at iba pa ngunit mas madali gawin ang coconut candy dahil wala itong gaanong sangkap na inihahalo maliban sa asukal.

Nagpapasalamat naman ang DOST-PSTC Romblon at maging ang mga lumahok sa mga ekspertong tagapagsanay mula sa Marinduque sa pagbabahagi ng mga ito ng kanilang kaalaman sa paggawa ng coconut candy.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s