Tagalog news: Mga natatanging tagapagtaguyod ng edukasyon sa OrMin, pinarangalan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 24 (PIA) – Pinarangalan kamakailan ng mga pinuno ng Department of Education (DepEd)-Oriental Mindoro Division ang mga pangunahing naging katuwang ng kanilang ahensya sa pagtataguyod ng edukasyon sa lalawigan sa kauna-unahang “DepEd Salute to Employees and Partners” na ginanap sa Filipiniana Hotel, Lungsod ng Calapan.

Ang naturang parangal ay pagkilala sa mga indibidwal na may malaking naiambag sa larangan ng edukasyon sa lalawigan ay pinangunahan ni DepEd OIC-Schools Division Superintendent Dr. Maria Luisa D. Servando.

Pangunahing kinilala ng DepEd ang mga lokal na opisyal ng lalawigan na sina Gob. Alfonso V. Umali Jr., First District Representative Salvador Paulino C. Leachon, 2nd District Representative Reynaldo V. Umali, mga punong bayan at mga guro na nagsilbing huwaran sa pag-aangat ng antas ng kalidad ng edukasyon sa lalawigan.

Ang mga lokal na opisyal ng lalawigan ay patuloy sa pagbibigay ng mga proyektong pang-imprastraktura sa mga paaralan, gayundin ang mga kagamitang kinakailangan ng mga mag-aaral upang matulungan ang mga itong mapaunlad at maiangat ang kanilang estado ng pamumuhay sa pamamagitan ng maayos na silid-aralan at iba pang mga kagamitang kinakailangan sa paaralan tulad ng computers.

Sa kanyang mensahe binigyang diin ni Gob. Umali, ang kahalagahan ng edukasyon. Aniya pa, mahalaga rin ang pagtutulong-tulong, pagsasama-sama. at ang pakikipagtuwang ng DepEd sa ibang sangay ng pamahalaan dahilan kung kaya naisakatuparan ang matagumpay na okasyon. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s