Tagalog news: Serbisyo Ora Mismo ng LGU Calapan, naglingkod sa bayan ng Naujan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 21 (PIA) – Ang Serbisyo Ora Mismo sa ilalim ng programang Kapitolyo Para Sa Mamamayan (KPSM) ay nagbigay-serbisyo kamakailan sa mga mamamayan ng bayan ng Naujan.

Ang mga barangay na nabigyan ng serbisyo sa District 7 ng bayan ng Naujan ay ang Evangelista, Masagana, Metolza, Aurora, Paitan at Magtibay. Pangunahing layunin ng programa ay madala ng Kapitolyo ang mga serbisyong panlipunan sa malalayo at liblib na barangay sa lalawigan.

Umabot sa 1,787 katao mula sa anim na barangay ng nabanggit na distrito ang nabiyayaan ng iba’t ibang serbisyo.

Sa serbisyong medikal, 488 mamamayan ang nabigyan ng libreng konsultasyon. Pinangasiwaan ang naturang gawain ng Provincial Health Office (PHO) na pinamumunuan ni Dr. Normando Legaspi, katuwang ang mga staff ng Oriental Mindoro Provincial Hospital na pinangangasiwaan ni Chief of Hospital Dr. Marpheo E. Marasigan, ang Naujan Community Hospital, gayundin ang Naujan Rural Health Unit, Philippine Academy of Family Physicians at Oriental Mindoro Medical Society.

Sa pamamagitan naman ng mobile dental clinic, 187 indibidwal ang libreng na-check-up at nabunutan ng ngipin.

Katuwang dito ng PHO ang Oriental Mindoro Dental Society at Philippine National Police (PNP) Regional Health Services.

May pansamantalang lugar na ginawan ng pharmacy kung saan 601 katao ang nabigyan ng libreng gamot samantalang 80 bata ang napakain sa libreng soup kitchen.

Nagbigay ng gabay sa livelihood programs ng Pamahalaang Panlalawigan at namigay ng brochure hinggil dito sa 23 indibidwal ang Investment and Enterprise Development Division ng Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO).

May limang indibidwal ang sumangguni sa Provincial Legal Office (PLO), 84 naman ang naging kliyente ng Philhealth, anim na barangay ang nabigyan ng butong pananim ng Provincial Agriculturist’s Office (PAgO) samantalang 42 aso ang nabakunahan kontra-rabies ng Provincial Veterinay Office (PROVET).

Nakapagkaloob din ng civil registration services sa 144 na indibidwal ang Philippine Statistics Authority (PSA) samantalang nagsagawa naman ng Drug Awareness Symposium ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pinangunahan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. ang pamamahagi ng sports equipment mula sa Office of the Governor, Special Concerns Division sa anim na barangay at sa tatlong paaralang sekondarya at anim na paaralang elemntarya. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s