Tagalog news: Promosyon sa industriya ng turismo sa Puerto Princesa, paiigtingin

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 21 (PIA) — Tututok ngayon ang pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa sa mas lalo pang pagpapaunlad ng industriya ng turismo sa siyudad sa pamamagitan ng pagpapalakas ng promosyon nito.

Ito ang nilalaman ng mensahe ni Mayor Luis Marcaida lll na ipinarating sa mga kawani ng pamahalaan sa isinagawang flag raising ceremony sa City Hall.

“We will embark on a policy direction to review, revisit, re-enforce, repackage, and reintroduce the City of Puerto Princesa in a broader paradigm”, bahagi ng nilalaman ng mensahe ni Marcaida.

Sa pamamagitan din aniya ng social media log sites, mai-a-angat nito ang antas ng global linkages at interconnectivity para sa tuloy-tuloy at epektibong estratehiya sa pagpapakilala ng mga tourist destination ng lungsod.

Kaugnay nito, ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ang mga nauna nang nai-panukalang karagdagang atraksyong panturismo sa lungsod katulad ng Balayong Park at iba pa.

Sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Information Agency (PIA) kay Elmer Zita, itinalagang tagapagsalita ng pamahalaang lungsod, aniya nakakasa na ang mga mamumuhunan sa mga planong ito kung kaya walang mababago sa mga plano ng nagdaang administrasyon bagkus ay madadagdagan pa ang mga atraksyon.

Ani Zita, “Maraming lokal na inisyatibo na kinakailangang isama natin sa listahan ng mga atraksyon”.

Samantala, bilang bahagi ng promosyon, inaasahang tutungo sa lungsod ang Media Affairs Bureau ng Philippine Airlines kasama ang mga miyembro ng mga mamamahayag mula sa nasyunal at magiging katuwang ang mga lokal upang magsagawa ng familiarization tour.

Layon aniya nito na maipakilala ang mga destinasyon at atraksyon sa lungsod na pinagmumulan ng pangkabuhayan ng mga mamamayan dito. . (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s