Tagalog news: 16M halaga ng shallow tube well, ipinagkaloob sa bayan ng Bongabong

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 19 (PIA) – Umabot sa P16 milyon ang kabuuang halaga ng shallow tube well na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan at ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka ng bayan ng Bongabong kamakailan.

Pinangunahan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr., kasama sina Bongabong Mayor Elegio A. Malaluan at mga kinatawan ng DA ang pagkakaloob ng 189 units ng shallow tube well na nagkakakahalaga ng P16,065,000.

Nakiisa rin sa naturang gawain si 2nd District Board Member Paulo Jean Umali at iba pang indibidwal.

Ayon kay Mayor Malaluan, ang naturang shallow tube well ay malaking tulong sa mga magsasaka lalo pa’t ang pangunahing suliranin nila sa lugar ay kawalan ng sapat na patubig sa mga sakahan.

Aniya pa, nagpapasalamat siya sa pamahalaang nasyunal at sa pamahalaang panlalawigan dahil sa lubos na suporta sa kanilang bayan, lalo pa’t nakikilala na ngayon ang Bongabong bilang Organic Farm Capital ng lalawigan.

Sinabi naman ni Gob. Umali na kalamangan ng lalawigan sa pagkakaroon ng malalaking proyekto ang pagkakaroon ng Seal of Good Local Governance (SGLG). Dahil aniya, sa pagkakaroon ng SGLG na ito, mas marami pang programa at proyekto ang maaaring makuha ng mga bayan sa lalawigan.

Samantala, malugod ding ibinalita ng punong ehekutibo na maging ang iba pang mga bayan ay suportado rin ng pamahalaang nasyunal kung saan may mga malalaki ring proyektong natanggap partikular na sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.

Malaking tulong rin ayon sa gobernadora, ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pagsasama-sama ng mga mamamayan at mga lider sa lalawigan kung kaya mabilis at marami pang biyaya ang natatanggap ng Oriental Mindoro. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s