Tagalaog news: Bagong ambulansya mula sa PCSO ipinagkaloob sa M’duque State College

BOAC, Marinduque, Abril 12 (PIA)– Kamakailan ay lumagda sa isang Deed of Donation and Marinduque State College (MSC) para sa bagong unit na ambulansya, na nagmula sa Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO).

Ito ay ipinagkaloob sa MSC sa katauhan ni Dr. Merian C. Mani, pangulo ng MSC sa PCSO Main Office sa lungsod ng Mandaluyong.

Personal namang pinangunahan ni PCSO Chair Jose Jorge Corpuz ang paghawak ng susi na sumisimbolo sa pangangasiwa at pamamahala ng mga ipinagkaloob na bagong ambulansya.

Matapos nito ay ipinaliwanag din ni Corpuz na ang pamimigay ng ambulansya at iba pang benepisyong pangkalusugan ay ilan lamang sa kanilang sinusuportahan na kampanya sa patuloy na paglago na nalilikom na pondo para rito.

Ang MSC ay isa lamang sa 10 benepisyaryo nito mula sa unang pangkat na nakatanggap mula sa PCSO. Ito ay binubuo ng mga nagmula sa lokal na pamahalaan, ospital at state universities at colleges sa iba’t ibang dako ng bansa.

Para naman sa malinaw at matapat na proseso na pagbola ng mga numero, ipinakita naman sa mga nakatanggap ang proseso lotto draw noong araw ding iyon. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s