Tagalog news: Paaralang kaagapay sa programa ng TESDA, hangad madagdagan sa Mimaropa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 11 (PIA) — Ninanais ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Mimaropa na mas mapaangat pa ang serbisyo ng ahensya sa mga probinsiya at bayan sa buong rehiyon.

Sa isang programa na isinagawa sa Palawan kamakailan, tinuran ni TESDA-Mimaropa Regional Director Carlos Flores na kinakailangan pa ng maraming paaralan o mga training centers ang ahensiya upang mabigyan ng pagkakataon ang napakarami pang naghahangad magkamit ng pagsasanay sa mga kursong hinahanap ngayon sa mga trabaho.

“Nais natin dito sa Palawan at sa buong Mimaropa na magkaroon ng maraming training centers, na maabot ang mga bayan sa lalawigan”, ani direktor Flores.

Dagdag pa ni Flores, mangyayari lamang ito kung mapapansin ng pamahalaang nasyunal ang magandang resulta ng kanilang serbisyo katuwang ang mga namumuhunan.

“Dapat kinikilala tayo dahil mahusay ang ating gawa, de kalidad ang ating trabaho at kaalaman, ilang centuries na ang nagdaan na nakakalimutan ang Mimaropa, ngayon gusto nating patunayan na magaling ang ating serbisyo”, pagbibigay diin ni Flores.

Hinimok din ng opisyal ang mga nagnanais kumuha ng kurso sa TESDA na samantalahin ang pagkakataon dahil may ayuda ang gobyerno sa pamamagitan ng mga kaloob na scholarship program. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s