Tagalog news: OrMin, modelo ng pagiging ‘climate resilient’

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 11 (PIA) – Malaki ang potensyal ng Oriental Mindoro na maging modelo sa pagiging climate change resilient ng Global Green Growth Institute, Inc. (GGGI) matapos malaman ng mga ito ang mga programa ng lalawigan na naaangkop sa climate change.

Ito ang ipinahayag ni GGGI Country Representative to the Philippines Hyo Youl Kim matapos ang isang video at power point presentation hinggil sa mga pagkilos at serye ng mga isinasagawang pagsasanay at oryentasyon sa mga hakbangin tungo sa pagiging climate resilient ng Oriental Mindoro.

Mula sa inihandang video at power point presentation ng Office of the Governor, Communication and Public Relation Services Division at Provincial Planning and Development Office, nadagdagan ang kaalaman ng mga bisita hinggil sa tunay na kalagayan ng Oriental Mindoro.

Sa kabila ng pagkakaroon nito ng mga saganang likas na yaman, hilaw na produkto at mataas na potensyal sa turismo at agrikultura, may mga nakaamba ring panganib dito tulad ng bagyo, baha at maging ng lindol na posibleng maging hadlang sa tagumpay ng mga isinasagawang proyekto.

Samantala, nagpahayag ng kagalakan si Gob. Alfonso V. Umali, Jr. na sa 81 lalawigan sa bansa ay nakasama ang Oriental Mindoro sa dalawang pilot provinces ng proyekto, kasama rin dito ang lalawigan ng Palawan.

Ayon sa gobernador, naniniwala ito na malaki ang maitutulong ng GGGI at Climate Change Commission upang mapaghandaan ang mga nakaambang panganib sa lokasyon ng Oriental Mindoro at makaangkop ito sa climate change sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga green projects and programs sa lalawigan.

Mula naman sa iba’t ibang serye ng mga oryentasyon at pagsasanay na isinasagawa ngayon hinggil sa climate change, inaasahang madadagdagan pa ang mga green project tulad ng Silonay Mangrove na nagkamit kamakailan ng parangal mula sa GGGI. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s