Tagalog news: Pangulo, nais tunguhin ang Kalayaan Island Group sa araw ng kalayaan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 10 (PIA) — Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nitong puntahan ang Kalayaan Island Group o itong mga isla sa Spratly sa Palawan sa mismong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan upang siya mismo ang maglagay ng watawat ng Pilipinas dito.

Ipinahayag ito ng Pangulo sa isang ambush interview sa pagdalaw nito sa lungsod ng Puerto Princesa partikular sa Western Command (WESCOM), matapos itong tanungin ng media hinggil sa isyu sa agawan ng mga isla sa West Philippine Sea.

“Sa (coming) Independence Day natin, I might…I may go to Pag-asa Island to raise the flag there,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo na buo ang kanyang suporta sa mga proyekto at development sa Pag-Asa Island, partikular na ang pagsasaayos ng airstrip doon at inihayag din nito na mayroon na itong pondo.

Dagdag pa ng Pangulo na ang mga islang atin na ay tinarahan na natin, “and make a strong point there that it is our”.

“I must build bunkers there or houses and make provisions for habitation,” dagdag pa ng Pangulo

Sa kasalukuyan ay siyam (9) na isla sa Kalayaan Island Group ang pinangangalagaan ngayon ng bansa. Ito ay ang mga isla ng Pag-Asa, Likas, Parola, Lawak, Kota, Patag, Panata, Balagtas at Ayungin.

Tumagal naman ng halos apat na oras ang Pangulo sa lungsod ng Puerto Princesa. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s