Tagalog news: Mahigit 1,000 mag-aaral sa 2 campus ng M’dque State College, nagsipagtapos

BOAC, Marinduque, April 10 (PIA)– Nagsipagtapos ang 1,003 mag-aaral mula sa Boac at Gasan na campus ng Marinduque State College na ginanap sa Marinduque Convention Center.

Ang seremonyang ito ay may temang “MSC Graduates: Icons of Academic Excellence and Stewards of Cultural Identity for National Transformation”. Ayon kay Dr. Merian Mani, pangulo ng MSC , ang temang ito ay nangangahulugan na ang matatas na kaalaman ng kanilang mga produktong mag-aaral ay sapat upang maging kinatawan sa pag-aalay ng kanilang sarili para sa pagsisilbi sa bayan bitbit ang dangal at mahalagang pag-uugali na itinuro ng pamantasan.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng pangulo ang hangad nito na pagtatagumpay ng mga nagsipagtapos sa kanilang larangan na tatahakin.

Naging panauhing pandangal naman dito si Executive Director Rico S. Pableo, Jr. mula sa National Commission for Culture and the Arts. Paalala niya sa kanila na ang pagtatapos sa kolehiyo ay simula pa lamang ng kanilang pagtatanghal sa kanilang pipiliing propesyon na natutunan nila mula sa kanilang mga propesor at magulang.

Kabilang sa mga nagtapos ngayong taon ang mga kumuha ng master at doctorate degrees. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s