Tagalog news: Karapatan ng Palawan sa Malampaya, muling iginiit ni Pangulong Duterte

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 9 (PIA) — Katulad ng kaniyang naipangako noong panahon ng kampanya sa pagka-pangulo, muling inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pagbisita sa Western Command ang karapatan ng Palawan sa kabahagi nito mula sa Malampaya Gas to Power Project.

“Kung may pera pa, ibigay ko sa inyo, it’s fully yours. Why would we claim it? Kapag ibinigay ko sa inyo ‘yan, you would be the richest province in the entire Philippines,” ani ni Presidente Duterte.

Sa interview ng media, naitanong din ng Pangulo sa mga taga Palawan na kung sakaling maibigay ang halagang Php72 bilyon na kabahagi mula sa Malampaya, saan ito gagamitin ng lalawigan.

Mungkahi ni Presidente Duterte na mas makabubuting mabigyan din ng bahagi ang gobyerno sapagkat napakaraming proyekto ang pamahalaan na kinakailangang paggagamitan nito.

Dagdag ng pangulo, napakaraming programa ang pamahalaan na kinakailangang paglaanan ng pondo katulad na lamang ng pabahay.

Gayunpaman, hindi nagbigay ng katiyakan si Duterte kung kailan maipagkakaloob sa lalawigan ang nasabing kabahagi pero aniya, hindi niya ito nakakalimutan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s